Nene todas sa kuryente

KAMPO SIMEON OLA – Isang siyam-na-taong gulang na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang naglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan sa Barangay Paolbo, Calabanga, Camarines Sur kahapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Andrea Camu, grade 3 pupil, matapos na mahawakan ang tubong may nakadikit na linya ng kuryente sa bakuran ng bahay. Nabatid pa sa ulat ng pulisya na masayang naglalaro ang biktima at ilang kaibigan hanggang sa aksidenteng mahawakan nito ang tubo na nakakabit sa bakuran ng bahay. Pinilit na sagipin ang biktima ng mga nakasaksi sa pangyayari pero hindi na rin umabot pa ng buhay sa ospital. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments