1 pang Abu lider tiklo

CAMP AGUINALDO – Isa pang sub-commander ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na kanang kamay ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani at may patong sa ulo na P1 milyon ang nalambat ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa isinagawang follow-up operations sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng opisyal ng ASG na si Alih Malabon, alyas Abu Nidal na nabitag matapos ituro ng kasamahan nitong opisyal ng mga bandido na si Mhammad Said, alyas Kaiser Said.

Base sa ulat, bandang alas-8 ng gabi nang masakote ng mga awtoridad ang suspek sa San Jose Road, Brgy. Zone II sa lungsod ng Zamboanga. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments