Granada: COA auditor, anak patay
December 29, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Dead on the spot ang isang Commission on Audit (COA) Auditor ng Department of Education (DepEd) at 8-anyos na anak nitong babae matapos na hagisan ng granada ng di pa nakilalang kalalakihan ang kanilang bahay sa Cotabato City kamakalawa.
Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang nasawing mag-ama na sina Maximo Pamilian at paslit na anak nitong si Johanne.
Ayon kay Lucero, dakong alas-6:45 ng gabi habang naghahanda ng hapunan ang kasambahay ng mga biktima nang biglang hagisan ng granada ang kanilang bahay sa Zenaida Subdivision ng nasabing lungsod.
Bago umano naganap ang pagsabog ay ilang di nakilalang kalalakihan ang nakitang kahina-hinalang umaaligid sa tahanan ng nasabing opisyal.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang COA Auditor ng DepEd ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest