Indian nat'l kulong sa pagtutok ng baril kay misis
December 28, 2003 | 12:00am
Camp Crame Bagsak kalaboso ang isang Indian national matapos ireklamo ng Filipinang misis nito ng panunutok ng baril sa Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang nasakoteng suspek na si Hadji Jalaluddin Pier Muhammad, 47, na nasamsaman rin ng isang cal. 9mm pistol, 73 rounds ng bala at dalawang hand grenades. Ang nasabing dayuhan ay ipinagharap ng reklamo sa pulisya ng kanyang Misis na si Farinah Jalaluddin, 51, ng # 501 Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City sa Police Station 6 dito. Base sa salaysay ng ginang, bandang alas 12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa kanilang tahanan kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa panunutok ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended