3 katao todas sa holdaper: 1 pa grabe
December 28, 2003 | 12:00am
Candelaria, Quezon Tatlo katao kabilang ang isang mag-asawa ang binaril at napatay habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang lalaki na nangholdap sa mga ito sa bayang ito kamakailan.
Sa naantalang ulat ng tanggapan ni Quezon Provincial Police Director P/Supt. Leo Kison, kinilala ang mga nasawi na sina Ruben Rubia, 41 anyos, foreman ; asawa nitong si Agnes at Romeo Rodil, isang obrero; pawang residente ng Sto. Niño Subd.; Brgy. Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Greg Hospital sanhi ng tama ng bala sa tagiliran si Melinda Barrios, 15, dalagita, isang estudyante ng Sariaya, Quezon.
Nabatid na ang insidente ay naganap nitong kapaskuhan habang ang mga biktima ay lulan ng isang owner type jeep na bumabagtas sa kahabaan ng Sto. Niño, Brgy. Malabanban nang harangin at holdapin ng mga armadong suspek.
Pinaniniwalaan namang natunugan ng mga suspek na may dalang P30,000 cash ang mga biktima kaya hinoldap ang mga ito at ng inakalang manlalaban ay binaril. Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kaso. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended