5 grabe sa road mishap

CAMP CRAME – Isang money changer owner ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang holdaper matapos na manlaban sa Bauan, Batangas, ayon sa ulat kahapon.

Idineklarang patay sa Bauan General Hospital ang biktimang si Edgardo Manongsong, alyas Ed, 52, may-asawa, negosyante at may-ari ng Edleth Money Changer sa Poblacion IV, Bauan ng nasabing lalawigan.

Base sa ulat, ang panloloob sa biktima ay naganap dakong alas-6:30 ng umaga sa loob ng nasabing money changer.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nag-aayos sa kanyang opisina ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang armadong suspek.

Gayunman, pumalag ang biktima at nanlaban sa mga holdaper kaya nairita ang mga suspek at pinagbabaril ito hanggang sa duguang humandusay.

Mabilis na nagsitakas ang 2 holdaper tangay ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P280,120.00 cash at caliber 9MM pistol.

Naglunsad na ng manhunt operations ang mga operatiba ng pulisya habang patuloy ang puspusang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments