2 maninikwat ng baka patay sa barilan
December 23, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Dalawang kalalakihan na pinaniwalaang maninikwat ng baka ang kumpirmadong napatay sa naganap na dalawang oras na barilan laban sa mga awtoridad sa kagubatang sakop ng Karuyusan, Barira, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing cattle-rustler na sina Ali at Makaraban na kilalang kasapi ng grupong kilabot na mandurugas sa paligid ng Camp Abubakar.
Kabilang naman sa nasugatan ay nakilalang sina Tamano Uga, Nasser Solaiman at Kambela Anggulin na pawang militia. Dalawang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala at ngayon ay ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC).
Ayon sa ulat, sumiklab ang bakbakan makaraang paulanan ng sunud-sunod na putok ang mga militia na nagsasagawa ng beripikasyon sa presensya ng mga armadong kalalakihan.
Nakuha pang makaganti ng mga kasamahan ng tatlong nasugatan hanggang sa bumulagta ang dalawa.
Napag-alaman sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Barira, sina Ali at Makaraban ay sangkot sa naganap na masaker ng lima-katao sa Barangay Ruminimbang sa nasabing bayan noong nakalipas na buwan. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest