Si Ariel Aris ay nasawi habang ginagamot sa Region I Medical Center sa Dagupan City, samantalang ang bangkay ni John Llyod Ocomen, 4 ay narekober sa ilalim ng ilog matapos na mahulog ang sasakyan sa Domalandan Bridge.
Ayon kay SPO1 Jose Ysit, kabilang sa nasugatang pasahero ay nakilalang sina John Ivan Ocomen, Mary Joyce Aris, John Walter Aris, Remedio Aris, Diosdado Aris at Alex Ocomen, drayber ng dyip na pawang residente mula sa Barangay Pao, San Fernando City La Union.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas-12:30 ng madaling-araw sa ginawang lumang tulay na nag-uugnay sa Barangay Domalandan at Baay.
Napag-alaman pa kay Ysit na ang tulay ay walang warning device na dapat ay lagyan ng Ciriaco Construction na responsable sa pagkukumpuni ng nasabing lugar.
Nabatid pa kay Ysit na ang dyip na sinasakyan ng mga biktima ay may rutang Manaog-Dagupan mula sa Zambales nang mahulog sa may 30 hanggang 40 talampakang lalim na ilog na bahagi ng Lingayen Gulf.
Ayon pa sa pulisya na tatlong aksidente na ang naganap sa naturang lugar dahil sa pag-aakalang ang lumang tulay ay maaari nang daanan. (Ulat ni Eva Visperas)