Drayber napatay sa suntok
December 16, 2003 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Malakas na suntok sa panga ang ikinamatay ng isang 23-anyos na traysikel drayber mula sa barangay tanod makaraang magwala ang biktima sa bahay ng sariling utol sa Sitio Payong, Barangay Dalig ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Antipolo Community Hospital si Eduardo Valmores ng Sitio Pantayanin, Barangay dela Paz habang agad namang dinakip ang suspek na si Teoderico Riva, 55, matapos ang insidente na naitala dakong alas-8:40 ng gabi.
Base sa ulat ng pulisya, lango sa alak ang biktima at nagwawala sa bahay kaya tumawag ng saklolo ang utol na si Karen sa mga barangay tanod. Hindi naman akalain ng suspek na matutuluyan ang biktima sa malakas na suntok nito sa panga. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest