P2.3-M isda nasabat ng Navy
December 12, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Umaabot sa P2.3 milyon halaga ng isda at fishing paraphernalia ang nasamsam ng mga elemento ng Phil. Navy (PN) matapos masabat ang anim na fishing boats habang nagsasagawa ng illegal na pangingisda sa Maqueda Bay, Catbalogan, Western Samar, ayon sa ulat kahapon.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Phil. Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon, kabilang sa mga nasabat na bangkang pangisda ay ang F/B Rose, F/B Arlene, F/B Maria Daisy, F/B CA, F/B TA at F/B Arjay.
Nabatid na bandang ala-1 ng hapon habang nagsasagawa ng seaborne patroll ang mga elemento ng Phil. Navy sa bahagi ng Maqueda Bay nang maaktuhan ang mga tiwaling mangingisda na lulan ng mga bangka habang illegal na nangingisda sa karagatan.
Ayon kay Naval Forces Central Commander Commodore Alfredo Abueg matagal na nilang sinusubaybayan ang operasyon ng mga mangingisda subalit lagi naman nakakalusot. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended