P10-M sa dinukot na trader
December 11, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Aabot sa P10 milyong ransom ang iniulat na hinihinggi ng mga kidnaper ng isang 24-anyos na Tsinoy car dealer na kasalukuyang itinatago sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat simula pa noong Lunes ng hapon.
Ayon sa pamilya nang dinukot na si Norman Sia na wala silang ganoong kalaking halaga dahil sa ordinaryong car agent lang ang biktima.
Kinumpirma naman ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema na ang biktima ay nasa kamay na ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom gang.
Magugunitang dinukot si Sia ng tatlong armadong kalalakihan na nagpanggap na mga kliyenteng bibili ng sasakyan.
Huling namataan ang biktima na sakay ng KIA Pride na may plakang LEW-969 kasama ang tatlong hindi kilalang lalaki.
Ayon sa ulat, nadiskubre naman ang inabandonang sasakyan ng biktima sa parking lot ng Filmart department store sa Tacurong City. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended