6 katao patay sa sakuna
December 9, 2003 | 12:00am
Maagang kinalawit ni Kamatayan ang anim na katao kabilang na ang tatlong barangay kagawad sa naganap na malagim na sakuna sa magkahiwalay na lugar kahapon at kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang nasawi sa sakunang naganap sa Antipolo City ay sina Antonio Martinez, 48, ng Sitio Padilla, Barangay San Isidro at dalawang babae na hindi nabatid ang pangalan.
Nasawi rin sa sakuna sa Cavite ay sina Feliciano Ugaldo, Teotino Umali at Jagai Mapalad na pawang barangay kagawad ng Barangay Sabang, Naic, Cavite, samantalang malubha naman nasugatan sina Leony Sostal at Ronald Romen.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang unang sakuna sa kahabaan ng Olalla Drive sa Barangay Sta. Cruz bandang alas-11:25 ng umaga.
Napag-alaman sa ulat ng pulis-Antipolo na nagsalpukan ang traysikel na minamaneho ni Edgar Macinas at pampasaherong dyip na ikinasugat din ng 28-katao.
Kasunod nito, naganap naman ang ikalawang sakuna sa Barangay Tanauan, Tanza, Cavite kahapon ng madaling-araw makaraang sumalpok ang barangay patrol car sa sementadong pader ng bahay na pag-aari ng pamilya Motas.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na sumabog ang unahang gulong ng patrol car (XEB-531) bandang alas-4 ng madaling-araw kaya nawalan ng kontrol ang drayber na naging sanhi para tumilapon ang tatlong namatay na biktima. (Ulat nina Edwin Balasa at Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am