2 lalaki hinatulan ng bitay
December 3, 2003 | 12:00am
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro Hinatulan ng mababang korte ng dalawang bitay ang isang lalaki makaraang mapatunayang humalay sa isang apat-na-taong gulang na batang babae noong Hulyo at Agosto 1995 sa Barangay Water, Baco, Oriental Mindoro. Sa 20-pahinang desisyong nilagdaan ni Judge Tomas Leynes ng Regional Trial Court Branch 40, ipinataw kay Leonito Lorenzo ang 2 counts of qualified rape.
Bukod sa dalawang bitay sa lethal injection death chamber sa New Bilibid Prisons (NBP) ay pinagbabayad din ang akusado ng P3 milyon sa biktima bilang kabayaran sa danyos perwisyo. Base sa mga ebidensyang isinumite sa korte, lumalabas na unang isinagawa ang maitim na balak laban sa biktima noong Hulyo 24, 1995 at naulit noong Agosto 17, 1995. Awtomatiko namang isusumite sa Korte Suprema ang hatol ng mababang korte para rebisahin. (Ulat ni Edith G. Plata)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest