Sarhentong pulis itinumba ng kanyang hepe
November 28, 2003 | 12:00am
BULACAN - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng sariling hepe nito matapos ang mainitang pagtatalo sa labas ng police outpost na sakop ng Barangay Calvario, Meycauayan, Bulacan, kamakalawa ng gabi.
Siyam na bala ng 9mm baril ang tumapos sa buhay ni PO2 Roberto Hufano Jr., 38, samantalang agad naman sumuko kay P/Senior Supt. Felizardo Serafio Jr. ang suspek na si P/Supt. Edgardo de Leon, hepe ng himpilan ng pulisya sa Meycauayan at tumangging sumailalim sa paraffin test.
Ayon sa nakalap ng impormasyon ng pulisya, bago maganap ang insidente ay nagtungo si Hupano sa opisina ni de Leon para komprontahin tungkol sa planong pagsibak sa kanya dahil sa nasabing police station.
Hindi naman inabutan ni Hupano ang kanyang hepe kaya nairita hanggang sa barilin nito ang kisame ng naturang tangapan at sabay na lumabas.
Lumalabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na nabalitaan ni de Leon ang insidente kaya tinungo nito si Hupano sa naturang police outpost hanggang sa mamataan nito ang biktima at agad na nagkaroon ng mainitang komprontasyon.
Dito na tinalikuran ni Hupano ang kanyang hepe habang nagsasalita kaya nairita ang suspek sabay na binunot ang baril hanggang sa umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.
Matapos na mahawi ang makapal na usok ay duguang bumulagta ang biktima na nasaksihan naman ng ilang pulis.
Kinasuhan na ng murder si de Leon at walang piyansang inirekomda ang piskalya para makalaya. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest