4 patay, 7 grabe sa vehicular accident
November 27, 2003 | 12:00am
Baguio City Apat katao ang nasawi samantalang pito pa ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan ng mga itong behikulo sa lungsod na ito.
Kapwa dead on the spot sa insidente ang mga biktimang sina Dario Pilacan, Michael Bumidang, George Mangay at Raymund Palecos habang nakilala naman ang isa sa pitong grabeng nasugatan na si Darwin Pinengeo na ngayoy kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Bontoc General Hospital.
Base sa report ng tanggapan ni Mr. Vicente Tomazar, Regional Director ng Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region bandang alas-3:30 ng hapon nang aksidenteng mahulog ang kulay maroon van na may plakang TEU 200 sa may 120 talampakang bangin sa Brgy. Kadchog, Bontoc, Mountain Province.
Nabatid na ang mga biktima ay kasalukuyang patungo sa karatig na bayan ng Sabangan nang maganap ang trahedya. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest