^

Probinsiya

3 sibilyan dinukot, pinatay ng ASG

-
CAMP AGUINALDO – Tatlong sibilyan ang iniulat na dinukot at pinatay ng mga armadong kalalakihan na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Gasmin Aaron, Bong Aaron at Asdabin Galin, na halos hindi na makilala ang mga bangkay dahil sa grabeng pahirap na inabot bago tuluyang binistay ng bala.

Sa phone interview, sinabi ni Lt. Col. Renoir Pascua, spokesman ng AFP-Southcom, malaki ang posibilidad na mga Sayyaf ang may kagagawan base na rin sa istilo at hindi makataong pagpatay na siyang tatak ng nasabing grupo.

Lumilitaw sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong alas-8:50 ng gabi sa Sitio Litakong, Brgy. Talisay ng lungsod ng Zamboanga.

Nabatid na kagagaling lamang ng mga biktima sa pagdarasal sa isang mosque nang abangan at harangin ng mga terorista na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas.

Ang mga biktima ay dinala sa Sitio Marangon, Brgy. Munti ng nasabing lungsod saka brutal na pinahirapan bago tuluyang tinadtad ng bala sa katawan.

Narekober ang bangkay ng mga biktima ilang oras matapos ang mga itong paslangin bandang alas-10 ng gabi.

Pinaniniwalaan namang ang pamamaslang ay may kinalaman sa aktibong pakikiisa ng mga biktima sa kampanya ng mga awtoridad kontra sa terorismong inihahasik ng bandidong grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ASDABIN GALIN

BONG AARON

BRGY

GASMIN AARON

JOY CANTOS

RENOIR PASCUA

SITIO LITAKONG

SITIO MARANGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with