5 bihag ng Abu nabawi
November 23, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Limang bihag ng Abu Sayyaf (ASG) ang matagumpay na nasagip ng tropa ng militar matapos ang madugong engkuwentro na ikinasugat ng tatlong sundalo sa bisinidad ng Upper Kapayawan, Isabela City, Basilan kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang sina Ali Akiran, Kulong Laxal, Ampolo Lasal, Rosana Lasal at isang tinukoy lamang sa alyas na Jamil at pawang residente ng Brgy. Lumbang, Isabela City.
Ang mga nasugatang sundalo ay nakilala namang sina Sgt. Isidro Labiano Jr., Cpl. Reynaldo Corpus at Pvt. Noel Tuldog; nakatalaga sa Armys 24th Special Forces Battalion (SFB) na nakasagupa ng grupo ni Commander Hamsiraji Salih.
Base sa ulat na tinanggap kahapon ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, dakong alas-10 ng umaga nang masabat ng tropa ng Armys 24th SFB ang grupo ni Salih habang tangay ang mga bihag sa masukal na bahagi ng Brgy. Upper Kapayawan sa Isabela City.
Napilitan naman ang mga bandido na abandonahin ang mga bihag sa takot na masukol at nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan tangay ang mga nasugatan nilang kasamahan.
Nagpapatuloy naman ang malawakang crackdown operations ng militar laban sa grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest