Bitay kinatigan ng SC laban sa magkapatid
November 23, 2003 | 12:00am
Kinatigan ng Korte Suprema ang hatol na bitay ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mag-utol na kumidnap sa isang dalagitang anak ng negosyante sa San Jose, Nueva Ecija.
Sa 43-pahinang en banc desisyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang parusang bitay laban kina Nelson at Benley Ancheta Pua.
Bukod sa parusang bitay ay pinagbabayad pa ng P1.5 milyon ang mag-utol sa pamilya ng biktimang si Jocelyn Caleon na kinidnap noong Nobyembre 23, 1998 sa naturang bayan.
Base sa record ng korte, dinukot ang biktima habang nag-iisa ang biktima sa kanilang tindahan sa San Jose dakong alas-6:10 ng gabi noong Nob. 23 bago dinala sa Baguio City.
Lumalabas na humihingi ang mag-utol na kidnaper ng P5 milyon mula sa pamilya ng biktima hanggang sa bumaba sa halagang P1.5 milyon.
Dito na nakipag-ugnayan ang pamilya Caleon sa mga awtoridad hanggang sa madakip ang dalawa at matagumpay na nasagip ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest