P.7M payroll money ng mga guro naholdap
November 15, 2003 | 12:00am
Sariaya, Quezon Naglahong parang bula ang P.7-M payroll money para sa mga guro ng isang eskuwelahan sa sekondarya matapos itong tangayin ng tatlong armadong lalaki na nangholdap sa sinasakyang service vehicle ng mga kawani ng paaralan sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Lutucan Uno sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Base sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Isidore, Macalisang, Chief of Police ng Sariaya, dakong alas-11:20 ng umaga habang lulan ng isang Tamaraw FX na may plakang DPJ -722 sina Blesilda Carlos, 46, cashier at mga kasamahan nitong empleyado ng Lutucan National High School na minamaneho ni Arnold Baldado nang harangin ng mga suspek
Kagagaling lamang umano ng nasabing mga kawani sa Land Bank sa Lucena City kung saan nag-withdraw ang mga ito ng P 750,000.00 para ipansuweldo sa mga guro nang sundan at harangin ng mga armadong holdaper na nakasuot ng bonnet at kulay itim na long sleeves.
Binaril umano ng mga suspek ang gulong ng sasakyan ng mga kawani ng paaralan at kasunod nito ay hinoldap ang mga ito.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest