^

Probinsiya

Magsasaka tiklo sa pampasabog

-
RIZAL – May posibilidad na maghahasik ng karahasan ang isang 30-anyos na magsasaka makaraang makumpiskahan ng granada at sampung dinamita habang umiinom ng alak sa videoke bar na sakop ng Tanay, Rizal kahapon ng madaling-araw. Naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Charlie Rabo ng Sitio Kamagong, Barangay Sampalok matapos na madiskubreng may dalang pampasabog sa El Cafe videoke bar ng mga tauhan ng pulisya na nagsagawa ng "Oplan Sita" sa mga bahay-inuman. Napag-alaman pa sa ulat na tinangkang pumuslit ng suspek habang iniisa-isang rekisahin ang mga dalang gamit ng kustomer pero naging alerto ang mga awtoridad. Tinangka pa ng suspek na alisin ang safety pin ng granada pero agad naman naagapan. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY SAMPALOK

CHARLIE RABO

EDWIN BALASA

EL CAFE

NAGHIHIMAS

NAPAG

OPLAN SITA

RIZAL

SITIO KAMAGONG

TANAY

TINANGKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with