Pulis patay sa duwelo
November 7, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Hindi umubra ang katapangan ng isang pulis sa pakikipagbarilan laban sa nakaaway na sundalo ng Philippine Army makaraang bumulagtang patay dahil sa duwelo sa loob ng kampo ng militar sa Zamboanga City kamakalawa.
Idineklarang patay ang biktimang si SPO1 Sarri Assi ng Tapul police station sa Sulu, samantala, naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Staff Sgt. Sala Ismael ng Southcom Service Company, Quick Reaction Team.
Sa imbestigasyon, lumalabas na nagkrus ang landas ng dalawa sa opisina ng Armed Forces of The Phil. Savings and Loan Association, Inc. (AFPSLAI) sa compund ng AFP-Southcom bandang alas-11:30 ng umaga.
Agad na kinompronta ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo habang maraming sibilyan ang nakasaksi.
Ayon pa sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo na mabilis naman lumayo ang biktima patungo sa duty guard ng gate 2 para kunin ang idinepositong baril nito.
Gayunman, bago pa man naiputok ng biktimang pulis ang sariling baril ay inunahan na ito ng sunud-sunod na putok ng sundalong suspek.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pangyayari habang inihahanda ang kaukulang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am