Pugot-ulo bayad sa 10 bote ng alak
November 5, 2003 | 12:00am
BACOLOD CITY Dahil sa hindi pagbabayad sa ininom na sampung bote ng alak ay pinugutan ang isang manunubang lalaki ng na-kaalitang negosyante sa Sitio Alasaus, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental noong Linggo ng umaga, Nobyembre 2, 2003.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Felicito "Peling" Carpio ng Sitio Aireen, Barangay Ampanganon, Jimalalud, Negros Occidental.
Agad naman sumuko ng suspek na si Gualberto Patoc, may-ari ng tindahan pinagbilhan ng biktima sa pamilihang bayan ng nasabing lugar.
Ayon kay SPO4 Roberto Mediodia, deputy chief of police ng Binalbagan, ang pangyayari ay nag-ugat sa pagitan nina Carpio at Patoc matapos na tumang-ging magbayad ng biktima ng halagang katumbas ng nainom na sampung bote ng alak.
Ayon pa sa imbestigasyon, makaraang umorder ng sampung bote ng alak ang biktima sa tindahan ni Patoc ay humihingi pa ito ng sukli kahit na hindi pa nakaka- pagbayad kaya nairita ang suspek.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang biktima at aktong ipuputok sana pero nasangga naman ng suspek hanggang sa mahawakan nito ang 14 na pulgadang itak na ginamit sa pamumugot.
Sumuko naman ang suspek kay Santol Barangay Kagawad Eugene Ogatis dala ang ulo ng biktima na inilagay sa sako at inihatid naman sa himpilan ng pulisya para panagutan ang naga-nap na krimen.
Nabatid pa na si Carpio ay isinasangkot sa sunod-sunod na pagpatay sa hangganan ng Binalbagan at Jimala- lud, Negros Occidental, ayon sa pulisya. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest