^

Probinsiya

Sundalo natodas sa sariling baril

-
CAMP AGUINALDO – Isang tauhan ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi makaraang tamaan ng bala ng sariling baril na aksidenteng nahulog sa foxhole sa Culasi, Antique kamakalawa.

Tumama sa likurang bahagi ng katawan ni Pfc Romeo Aquirre, 27, bago naglagos sa dibdib ang bala ng M-14 Armalite rifle.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-11:45 ang umaga nang mag-inspeksyon ang biktima sa mga foxhole sa Sitio Moro-Boro, Barangay Naba sa bayan ng Culasi.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumagsak ang hawak nitong Armalite habang sumisilip sa foxhole at biglang umalingawngaw ang malakas na putok saka tumama sa katawan nito.

Idineklarang patay sa Culasi District Hospital ang biktimang residente ng Barangay Matias, Dingle, Iloilo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMALITE

BARANGAY MATIAS

BARANGAY NABA

CAMP AGUINALDO

CULASI

CULASI DISTRICT HOSPITAL

JOY CANTOS

PFC ROMEO AQUIRRE

PHILIPPINE ARMY

SITIO MORO-BORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with