4 Chinese drug trafficker tiklo
October 23, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Apat na hinihinalang Chinese drug traffickers na pinaniniwalaang may planong magtayo ng shabu laboratory ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng intelligence at security operatives ng Phil. Navy at Phil. National Police (PNP) sa isinagawang operasyon sa baybayin ng San Fernando City, La Union kamakalawa.
Sa isinumiteng report ni Naval Forces Northern Luzon Commander Commodore Amado Sanglay kay Phil. Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon, ang operasyon ay isinagawa kamakalawa bandang alas-4 ng hapon sa tabing dagat ng San Agustin sa lungsod ng San Fernando.
Kinilala ni Navy Spokesman Commander Geronimo Malabanan ang mga suspek na sina King Na Tsong, King Na Huy, King Ka Phing at King Jin Shaw; pawang mga tubong Mainland China. Ang mga suspek ay nadakip sa bisa ng seach warrant na inisyu ni La Union Regional Trial Court (RTC) Judge Adolfo Alagar.
Ayon kay Malabanan nakatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa planong pagtatayo ng mga suspek ng shabu laboratory sa ni-raid na malaking bahay na inuupahan ng mga dayuhang suspek sa isang kinilalang Ahmer Lucman.
Samantala, apat pang hinihinalang drug lords na tinaguriang remnants ng "Col. Alviento drug ring" ang nasakote ng San Fernando City Police sa isinagawang buy bust operations sa lungsod. Ang mga suspek na kinilalang sina Robert Fernandez, 37-anyos; Betty Fernandez, 41; Mohalidin Mariphel, 23 at Recto Huerto, 50 ay nasamsaman ng 60 gramong shabu na nagkakahalaga ng P120,000. (Ulat nina Joy Cantos/Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest