^

Probinsiya

Police captain itinumba

-
CAMP CONRADO D. YAP, Zambales – Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng Olongapo City police station ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay papalabas ng Bulwagan ng Katarungan na sakop ng Barangay Palanginan, Zambales kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Provincial Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang biktimang si Police Senior Inspector Sergio Rivera ng Barangay Sindol, San Felipe, Zambales.

Base sa ulat ni P/Chief Inspector Lorenzo Mercado kay P/Supt. Wilson Victoria, provincial director, naitala ang pananambang bandang alas-4:10 ng hapon habang ang biktima ay papalabas ng Bulwagan ng Katarungan.

Ayon pa sa pagsisiyasat, sinabayan ng isa sa mga killer ang biktima at kasabay na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok.

Agad na bumulagta ang duguang biktima habang ang killer naman ay palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen saka sumakay ng motorsiklo patungo sa hindi nabatid na direksiyon.

Wala pang malinaw na motibo sa naganap na pananambang dahil pansamantalang walang lumutang na testigo para kilalanin ang mga pumaslang. (Ulat ni Erikson Lovino)

BARANGAY PALANGINAN

BARANGAY SINDOL

BULWAGAN

CHIEF INSPECTOR LORENZO MERCADO

ERIKSON LOVINO

KATARUNGAN

OLONGAPO CITY

POLICE SENIOR INSPECTOR SERGIO RIVERA

PROVINCIAL RAMON MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with