6,000 pirasong puslit na DVD nasabat
October 10, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY, Freeport Aabot sa P2 milyong imported smuggled na Digital Video Discs (DVDs) ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) at mga tauhan ng Video Regulatory Board (VRB) mula sa Federal Express Terminal cargo kahapon ng madaling-araw.
Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD chief for operations Capt. Marlon Alameda kay Custom Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, bandang alas-2 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon sina customs police special agents Robert Montealegre at Rico Reyes sa Federal Express Terminal cargo house sa Building 8045, Argonaut Hiway, Lower Cubi, Subic Bay Freeport Zone.
Base sa intelligence report mula kay VRB-Special Task Force unit chief P/Sr. Supt. Napoleon Cuaton, may kargamentong naglalaman ng mga piniratang imported "Class A" DVDs sa Federal Express Airline ang nakatakdang dumating sa Freeport.
Kaagad na nagbantay ang mga awtoridad sa pagdating ng eroplano hanggang nakumpiska ang apat na malalaking kahon na naglalaman ng 6,000 piraso ng mga pirated "Class A" DVDs at ilang mga printed movie titles.
Nabatid na ang mga kargamento ay inimport mula sa Mantik Trading-Jalan Usaha, Cheras, Kuala Lumpur, Malaysia at pag-aari ng MBS and R. Customs Brokerage na matatagpuan sa No. 39 Banicain St., Olongapo City.
Napag-alaman sa ulat na ang nakumpiskang mga imported DVDs ang siyang ginagamit sa pagkopya at paggawa ng libu-libong mga pirated movie discs na siyang ibinebenta ngayon sa mga bangketa sa pangunahing mga lansangan sa bansa. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended