Pulis nag-suicide dahil sa bungangerang misis
October 9, 2003 | 12:00am
Tinapos ng isang bagitong pulis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo dahil hindi na matagalan ang pagiging bungangera ng kanyang misis sa Tanauan City, Batangas.
Sabog ang utak ng biktimang si PO1 Alberto Ortiz, 26, nakatalaga sa Support Group ng PNP-Calabarzon sa Camp Vicente Lim.
Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas-10 at 11 ng gabi sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Mataas na Kahoy, Tanauan City.
Tinalakan ng misis na si Thelma ang biktima dahil sa text message na nabasa nito sa kanyang cellphone.
Naghihinala ang misis ng biktima na may ibang babae itong kinahuhumalingan kaya palaging ginagabi sa pag-uwi.
Bunga nito ay tuluyang napundi ang pulis na noon ay pagod galing sa trabaho.
Walang sabi-sabing kinuha ng nasabing pulis ang kanyang .45 caliber pistol na agad nitong itinutok sa kanyang sentido at kasunod nito ay umalingawngaw ang malakas na putok. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am