Mga guro binabantaang dudukutin ng MILF rebels
October 4, 2003 | 12:00am
Ultimong mga guro ay hindi nakaligtas sa panghaharass ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na binabantaan ng mga itong dudukutin kapag hindi nagbayad ng buwanang revolutionary tax sa kanilang kilusan.
Ang talamak na pangingikil sa kanilang hanay ay ipinarating kahapon ng Alliance of Volunteer Educators (AVE) sa tanggapan ni Major Gen. Raul Relano, Chief ng Armed Forces of the Phil.-Civil Military Operations (J7).
Base sa reklamo ng AVE, pinadadalhan umano ang mga guro ng extortion letter ng MILF kung saan ay humihingi ang mga ito sa bawat guro sa mga eskuwelahan ng P 200 sa kanilang buwanang kita at kung hindi ay dudukutin umano sila ng naturang grupo ng mga rebelde.
Nabatid na sa kabila ng napipintong pagpapatuloy muli ng naudlot na peace talks sa pagitan ng GRP peace panels at ng MILF rebels ay hindi pa rin paawat ang separatistang kilusan sa pangingikil ng revolutionary tax sa mga balwarte nitong teritoryo sa rehiyon ng Mindanao.
Kamakailan lamang ay nakatanggap ng extortion letter ang mga guro sa ibat-ibang mga paaralan sa bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte at bunga naman ng matinding takot ng mga ito ay napilitan silang isuspinde ang kanilang mga klase.
Nangako naman ang liderato ng militar na bibigyan ng karampatang aksiyon ang reklamo ng mga guro. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended