^

Probinsiya

Ginang na killer ng asawa sumuko

-
Antipolo City, Rizal – Matapos makonsensiya, isang 31-anyos na ginang ang sumuko sa pulisya kahapon at inaming siya ang pumaslang sa kanyang asawa katulong ang kanyang nakababatang kapatid noong Setyembre 13 sa lungsod na ito.

Ang suspek ay nakilalang si Merlita del Mundo, residente ng Freidnitz Subd., Brgy. Bagong Nayon ng nasabing lungsod.

Si Del Mundo ay boluntaryong sumuko dakong 8:30 ng umaga dahilan sa pagpatay sa kanyang asawang si Florencio del Mundo, 52.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang kapatid ng suspek na kinilala namang si Mario Bautro, 27 na itinuro nitong siyang gumilit sa leeg ng biktima.

Base sa rekord ng pulisya, naganap ang pamamaslang dakong 10:45 ng gabi sa bahay ng mag-asawa habang natutulog ang biktima na pinagtulungang pagsasaksakin ng magkapatid.

Hindi pa nakuntento ay ginilit pa umano ni Bautro ang leeg ng biktima upang siguruhing patay na ito.

Nabatid na bago naganap ang krimen ay nag-away ang mag-asawa kung saan ay nagalit si Bautro sa pambubugbog ng bayaw sa kanyang ate.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek na nakapiit na sa detention cell ng Antipolo City Police. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

BAGONG NAYON

BAUTRO

BRGY

EDWIN BALASA

FREIDNITZ SUBD

MARIO BAUTRO

MUNDO

SI DEL MUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with