Estudyante ng FEU natuluyan sa ika-3 pagsu-suicide

ANTIPOLO CITY, Rizal – Sa ikatlong pagtatangkang magpakamatay ay tuluyan nang nagwakas ang buhay ng isang 19-anyos na lalaki makaraang matagumpay nitong wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng madaling araw sa Brgy. Dalig ng lungsod na ito.

Ang biktima na nakilalang si Ralph Niño Quilantang, estudyante ng Far Eastern University, residente ng 33 Yakal St. Bagong Silangan Brgy. Dalig ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw sa kusina ng nasabing bahay ay nagising ang nakababatang kapatid ng biktima na si Ryan at iihi sa banyo nang mapadako ang tingin sa kusina at laking gulat nito nang makitang nakabitin ang kapatid.

Agad na nagsisisigaw si Ryan na ikinagising ng mga kasambahay nito at tinanggal sa pagkakatali ang biktima para itakbo sana sa ospital subalit nangingitim na ang buong mukha at wala na itong buhay. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments