^

Probinsiya

Lalaki pinagbabaril habang nagto-tong-its

-
NUEVA ECIJA – Isang 25-anyos na mister ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay naglalaro ng tong-its sa Barangay Bertese, Quezon, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Joel Castriciones, may asawa ng Barangay Dubinan West, Santiago City Isabela.

Samantalang walang nakuhang pagkikilanlan ng mga killer na agad tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-11:20 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, masayang naglalaro ng tong-its ang biktima kasama ang dalawang kaibigang sina Arman Baldado at Danny Dela Cruz nang biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki sabay na nagpakawala ng putok na nagresulta para bumulagta agad ang biktima.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, ang biktima ay kararating lamang mula sa Isabela City at dinalaw ang kanyang mag-ina nang paslangin. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

APAT

ARMAN BALDADO

BARANGAY BERTESE

BARANGAY DUBINAN WEST

CHRISTIAN RYAN STA

DANNY DELA CRUZ

ISABELA CITY

JOEL CASTRICIONES

NUEVA ECIJA

SANTIAGO CITY ISABELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with