^

Probinsiya

Chairman, kagawad tiklo sa buy bust

-
LINGAYEN, Pangasinan – Nagwakas ang pagiging tulak ng bawal na droga ng isang barangay chairman at kagawad makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Miguel, Calasiao noong Lunes, Setyembre 8, 2003.

Ang mga suspek na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Calasiao at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakabase sa Pangasinan ay nakilalang sina Armando Barrozo Javier, 42, may asawa, barangay chairman ng Mermer, Manaoag at Jaime Barrozo, 35, may asawa ng Barangay San Ramon, Manaoag.

Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Superintendent Mario Sandiego, police provincial director, ang dalawa ay naaktuhang nagbebenta ng shabu sa poseur-buyer sa Barangay San Miguel.

Ayon pa sa pulisya, nakumpiska sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang 10 tig-P100 marked money, dalawang pirasong plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng shabu, timbangan, drug paraphernalia, kalibre .357 magnum at 12 pirasong bala na walang kaukulang papeles. (Ulat ni Eva Visperas)

ARMANDO BARROZO JAVIER

BARANGAY SAN MIGUEL

BARANGAY SAN RAMON

CALASIAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EVA VISPERAS

JAIME BARROZO

MANAOAG

PANGASINAN

SENIOR SUPERINTENDENT MARIO SANDIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with