^

Probinsiya

Parak todas sa buy bust operation

-
LUCENA CITY – Naging huling assignment ng isang matapang na bagitong pulis ang drug bust operation na isinagawa ng drug enforcement unit matapos na ito ay barilin ng pusher na kanila sanang huhulihin kamakalawa ng gabi sa Greenhills Phase II Barangay Market View.

Namatay ang pulis habang nilalapatan ng lunas sa Andaman Hospital bunga ng tama ng bala ng .38 kalibreng baril sa ulo at dibdib na si SPO1 Manuel Villa.

Samantalang napatay din sa hot pursuit na isinagawa ng pulisya ang suspek na si Antonio Vibal, alyas Bong Villanueva.

Ayon sa ulat ni P/Supt. Edgar Layon, hepe ng pulis, nagsagawa ng isang drug bust operation ang grupo ni Villa bandang alas-8:00 ng gabi nang mamataan ng biktima ang nagaganap na bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Kaya sa pagkakataong iyon ay pinasok na ni Villa ang lugar upang arestuhin ang suspek subalit nanlaban at naagaw ang baril ng pulis na siyang ginamit sa krimen.

Labintatlong oras matapos ang pangyayari ay namataan ng mga humabol na pulis si Vibal sa Barangay Barra na nanlaban at nakipagbarilan sa mga awtoridad kaya napatay. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ANDAMAN HOSPITAL

ANTONIO VIBAL

AYON

BARANGAY BARRA

BARANGAY MARKET VIEW

BONG VILLANUEVA

EDGAR LAYON

GREENHILLS PHASE

MANUEL VILLA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with