Ex-mayor,kulong ng walong taon
August 30, 2003 | 12:00am
Dahil sa kasong katiwalian na nag-ugat sa pagkumpiska ng 930 bundles na sawn knockdown wooden box ng kalaban sa pulitika si ex-Mayor Cresente Lorente Jr., dating alkalde ng Zamboanga del Norte ang hinatulan kahapon ng Sandiganbayan na makulong ng walong taon.
Base sa desisyon ng Sandiganbayan Third Division, ginamit ng akusadong si Lorente Jr., ang kanyang posisyon upang gipitin ang negosyanteng si Rodolfo Diamante, nangangasiwa ng Verama Diamante Enterprises.
Sa desisyon, ipinaliwanag nina Associate Justices Raul Victorino at Norberto Heraldez na tanging mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may kapangyarihan na mangumpiska ng pinaghihinalaang ilegal na troso at hindi ang alkalde. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest