Iniwan ng gf: 16-anyos nagbigti
August 30, 2003 | 12:00am
LEGAZPI CITY Nagawang magpakamatay ng isang 16-anyos na estudyanteng lalaki matapos na siya ay hiwalayan ng kanyang girlfriend na isa ring estudyante sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang boarding house sa Sitio Pag-asa, Barangay Rawis.
Nakilala ang nagpakamatay na si Dan Iris Teodoro, first year college student ng Aquinas University, residente ng Talisay, Cam. Norte at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kasamahan sa boarding house dakong alas-6:30 ng gabi sa inuupahan nitong kuwarto.
Nabatid na bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima ay nagsabi na sa kanyang boardmate na nakilalang si Cedrick Obusan ang tungkol sa pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend sa kanya.
Ang biktima ay naiwan na nag-iisa sa kanyang kuwarto dahil ang mga kasamahan nito ay pumasok sa kanilang mga klase.
Nang dumating ang mga boardmates ay doon nila nakita ang biktima na nakabitin sa loob ng kuwarto.
Nabatid pa na hinihintay ng biktima na tumawag ang kanyang girlfriend sa cellphone upang muling mag-usap at ayusin ang kanilang problema ngunit hindi na tumawag ang dalaga. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended