^

Probinsiya

Ulo ng kabit ni misis pinasabig ni mister

-
GENERAL NATIVIDAD, Nueva Ecija – Hindi makayanan ng isang mister na siya ay ipagpalit sa iba kaya naman pinuntahan nito ang bahay ng kalaguyo at binaril sa ulo sa Brgy. Piñahan ng bayang ito.

Sabog ang ulo at namatay noon din ang biktima na nakilalang si Jimmy Ringcupan Jr., 23, binata at tubong Barangay San Jose, Antipolo City.

Samantala, naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Zaldy Buena, 37, ng Sitio Pantay, Barangay San Jose, Antipolo City, makaraang makorner ito sa Barangay Manarong, dito.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-7:30 ng umaga ay sinugod ng suspek ang bahay na tinutuluyan ng biktima at ng kanyang asawang si Chona Buena, 33.

Kinumpronta agad ni Zaldy ang asawang si Chona at biktimang si Jimmy. Dala ng matinding galit ay binunot ng suspek ang kalibre .38 baril sa kanyang baywang at ipinutok sa ulo ni Jimmy.

Dahil sa komosyong naganap sa naturang lugar, nabulabog ang mga residente at agad na ipinaalam sa pulisya ang pangyayari na agad namang rumesponde at naaresto ang suspek. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MANARONG

BARANGAY SAN JOSE

BRGY

CHONA BUENA

CHRISTIAN RYAN STA

JIMMY RINGCUPAN JR.

NUEVA ECIJA

SITIO PANTAY

ZALDY BUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with