Mag-ama dedo sa ambush

CAVITE – Tinambangan at napatay ang mag-ama ng dalawang hindi kilalang lalaking naka-motorsiklo habang ang mga biktima ay patungo sa court hearing kahapon ng umaga sa Barangay Tanauan, Tanza, Cavite.

Walang buhay na iniwan ang mga biktimang sina Ananias Alaman, 62 at Marcelino Alaman, 37, kapwa residente ng Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Celino Javier, sakay ng traysikel (DX-3807) ang mag-ama ay patungo sana sa Provincial Agrarian Reform Office (PARO) para dumalo ng court hearing laban kay Divina Tolentino nang tambangan bandang alas-11:30 ng umaga. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments