Kidnaper sa Basilan Timbog

ZAMBOANGA CITY – Isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang sangkot sa kidnapping ng mga estudyante at pampublikong guro sa Basilan may dalawang taon na ang nakalilipas ang iniulat na inaresto ng mga awtoridad habang gumagala sa downtown mall noong Sabado ng hapon.

Isinasailalim ngayon sa tactical interrogation si Alpaker Said, 18, alyas Hamid Sallo matapos na makilala ng isa sa mga biktima na nakasama sa pagdukot sa Tumahubong, Sumisip, Basilan, ayon kay P/Chief Insp. Antonio Clarito, tagapagsalita ng Zamboanga City PNP. (Ulat ni Roel D. Pareño)

Show comments