Paghasik ng terorismo ng Sayyaf nakaamba
August 26, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO May nakaambang panganib sa Kamindanawan makaraang madiskubre ang planong paghahasik ulit ng terorismo ng grupong bandidong Abu Sayyaf, ayon sa ulat ng militar.
Ang pagkakadiskubre ng paghahasik ng terorismo ng mga bandidong Abu Sayyaf ay matapos na madakip ng militar ang dalawang Sayyaf kumander na sina Abu Suhod at Abu Rashid na kapwa may P1 milyong pabuya.
Ikinanta ng dalawang bandido na magsasagawa ang kanilang grupo ng panibagong kidnapping at pambobomba sa Zamboanga City at ilang bahagi sa Western Mindanao.
Napag-alaman na maglulunsad ang mga bandidong Sayyaf ng malawakang terorismo para ipaghiganti ang nadakip na Indonesian terrorist na si Hambali na lider ng Jemaah Islamiyah.
Dahil dito ay inalerto ang tropa ng militar sa Mindanao Region para hadlangan ang anumang nakaambang terorismo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest