Brgy.chairman itinumba sa restaurant
August 26, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na barangay chairman ng isang miyembro ng Civil Security Unit (CSU) habang ang biktima ay umiinom ng alak sa loob ng restaurant sa Barangay Bayang Luma, Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Cuenca, may asawa ng Plaridel Subdivision ng naturang lugar, samantala, agad namang sumuko ang suspek na si Samuel Monzon, 46, may asawa.
Base sa ulat ni P/Supt. Leo Francisco, police chief sa bayan ng Imus, naitala ang krimen bandang alas-8 ng gabi sa loob ng Dimo Marich restaurant.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, bago maganap ang pangyayari ay dinatnan ng biktima ang suspek na nag-iinuman ng alak kasama ang ilang kaibigan sa nasabing restaurant.
Hindi binanggit sa ulat ng pulisya kung sino ang unang lumapit pero ayon sa ilang saksi sa pangyayari ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Dito na bumulagta ang duguang biktima habang ang suspek naman ay agad na sumuko sa mga awtoridad. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 4 hours ago
By Victor Martin | 4 hours ago
By Omar Padilla | 4 hours ago
Recommended