SBMA, pasado sa ISO 9001:2000 Quality Management System
August 25, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Pumasa ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa kinakailangang auditing procedures para sa pagkuha ng sertipiko sa ISO 9001:2000 Quality Management System.
Sinabi ni SBMA Chairman Felicito Payumo, ang Subic Freeport ay magsisilbing modelo para sa ibang tanggapan ng pamahalaan, partikular ang mga nasa Special Economic Zones na may ISO 9001:2000 Certificate of Excellence for Investor Servicing and Locator Assistance (ISLA).
Ang ISO 9001:2000 Quality Management System, na kinikilala sa buong mundo ay tumutukoy sa mataas na kalidad ng pamamahala, pati na ang epektibo at mabilis na pagkakaloob ng serbisyo sa mga kliyente.
Idinagdag pa ni Payumo na bago ginawa ang ISO auditing, ilang tanggapan ng SBMA kabilang ang Human Resource Management Department (HRMD), Investment Processing Department (IPD), Locator Registration and Licensing Department (LRAD), Labor Department, Seaport at Airport Department ay nakasunod na sa kinakailangang standard kung saan ang ISO audit ay ibinase. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended