^

Probinsiya

Eskuwelahan tinupok ng apoy

-
CAMP CRAME – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang sumabog ang nilulutong floorwax sa loob ng eskuwelahan na ikinasugat ng isang mag-aaral sa Isabela City kamakalawa.

Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Claret College na kinabibilangan ng computer room, school library, administration building at school directors’ office.

Nagtamo naman ng 1st degree burn ang estudyanteng si Reynaldo Paratus na ngayon ay ginagamot sa Infante Hospital.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagluluto ng floorwax si Paratus sa laboratoryo ng nasabing eskuwelahan nang sumabog ang tangke ng LPG hanggang sa kumalat ang apoy sa kalapit kuwarto.

Tumagal ng isang oras ang sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng pamatay-sunog mula sa Isabela City.

Wala namang iniulat na nasawi o malubhang nasugatan maliban kay Paratus. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CLARET COLLEGE

INFANTE HOSPITAL

ISABELA CITY

JOY CANTOS

NAGTAMO

NAPAG

PARATUS

REYNALDO PARATUS

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with