Kampo ng PCG sinalakay ng NPA rebs, 3 patay
August 20, 2003 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Dalawang kawal at rebelde ang iniulat na nasawi, samantala, lima naman ang nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New Peoples Army ang kampo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Ungos, Real, Quezon kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga napatay na kawal ng PCG na si Coastguard Master Chief Petty Officer Joseph Dena Marca, station commander ng Real PCG at Navy Seaman 1st Class Ismael Bernal, crew ng Patrol Craft Fast (PCF) 352.
Dalawang miyembro ng Philippine Navy, dalawa sa PCG at isa sa PNP ang nasugatan makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rebelde.
Napatay din sa engkuwentro ang rebeldeng si Ka Jerry na miyembro ng Apolonio Mendoza Command.
Ayon kay Commander Christopher Caunan, hepe ng Lucena Coast guard station, naitala ang pag-atake dakong alas-11 ng umaga.
Nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde ang dalawang kawal na nasawi at limang nasugatan.
Sakay ng dalawang bangkang-de-motor ang mga rebelde bago sumalakay sa nasabing kampo at bago nagsitakas patungo sa kagubatang sakop ng Mauban, Quezon ay tinangay pa ang limang baril ng mga kawal.(Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest