Barangay chairman nilikida

BANGUED, Abra - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng dalawang hindi kilalang armadong kabataang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa tindahan sa Zone 6, Bangued, Abra kamakalawa.

Pinilit na dalhin sa Seares Memorial Clinic ang biktimang si Nestor Belisario Sr. para mailigtas pero binawian ng buhay habang ginagamot.

Napag-alaman sa pulisya na ang kapatid ng biktima ay isa sa isinasangkot na suspek sa pagpatay kay ex-Mayor Clarence Benwaren ng Tineg noong nakalipas na taon. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments