Police officials tinepok sa sabungan
August 19, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagtulungang barilin hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng pulisya sa Catanduanes ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay papalabas ng sabungan na sakop ng Barangay Valencia Virac, Catanduanes kamakalawa ng hapon.
Naisugod pa sa Catanduanes Provincial Hospital si Police Chief Inspector Loreto Tablizo Jr, 41, may asawa, nakatalaga sa Catanduanes PNP bilang provincial deputy director.
Samantala, ang mga hindi kilalang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ay agad namang nagsitakas sa direksiyon ng West Garden Subdivision at Imperial Homes matapos isagawa ang pananambang bandang alas-5 ng hapon.
Nabatid sa ulat ni P/Chief Supt. Jaime Lasar, police provincial director na gumanti naman ng putok ang nagsisilbing alalay na si PO1 Noel Tabor pero walang tinamaang rebelde.
May palagay ang pulisya na inabangan ng mga rebelde ang paglabas ng biktima mula sa loob ng Araojo Cockpit Coliseum bago isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest