^

Probinsiya

Gobyerno, MILF nagtuturuan kay al-Ghozi

-
CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi malaman ng taumbayan kung sino talaga ang paniniwalaang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa nakapugang Indonesian bomb expert na si Fathur Rohman al-Ghozi dahil sa kapwa nagtuturuang may hawak sa kilabot na teroristang miyembro ng Jimaah Islamiyah.

Dahil dito, lumakas naman ang paniniwala ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang nakapugang Indonesian bomb expert na si Fathur Rohman al-Ghozi ay hawak na ng gobyerno at naghihintay lamang ng tamang panahon para iharap sa publiko.

Sa naging pahayag ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang patuloy na ginagawang malawakang pagtugis kay al-Ghozi ay nagpapatunay na isang "palabas" lamang ng gobyerno.

Kinuwestiyon din ni Kabalu ang pagkakapatay ng tropa ng militar sa kasamahan ni al-Ghozi na si Abdul Mukim Ong Edriz.

Sa naging paratang ng MILF rebels ay pinagsuspetsahan din ng gobyerno ang grupo ng nabanggit na rebelde na kinakanlong si al-Ghozi ng isang alyas Commander Salip Aloy Alstree sa Central Mindanao.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, si al-Ghozi ay na-monitor sa Gitnang Kamindanawan partikular na sa Kabuntalan, Maguindanao matapos na makatakas sa dragnet operation ng militar sa Lanao del Sur kamakailan kaya nagpapatuloy ang pagtugis sa Sultan Naga Dimaporo at Lanao del Norte.

Kumbinsido naman ang mga opisyal ng pulisya na hindi magtatagal ay mahuhulog sa kanilang bitag si al-Ghozi at isa pang Sayyaf na bomb expert na si Omar Opik Lasal, alyas Mehran Abante matapos na mapaslang si Edriz noong Agosto 7, 2003 sa Sultan Naga Dimaporo.

Kasunod nito, ipinahayag naman ni Al Haj Murad na magpapatuloy ang peace talks sa Kuala Lumpur matapos na pag-usapan ng Coordinating Committees for the Cessation of Hostilities (CCCH) ang tungkol sa implementasyon ng ceasefire sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng MILF. (Ulat nina Bong D. Fabe at Joy Cantos)

vuukle comment

AL HAJ MURAD

BONG D

CENTRAL MINDANAO

CESSATION OF HOSTILITIES

COMMANDER SALIP ALOY ALSTREE

FATHUR ROHMAN

GHOZI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SULTAN NAGA DIMAPORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with