^

Probinsiya

Mister hinostage ang misis, patay sa pulis

-
LEGAZPI CITY, Albay – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister na nang-hostage ng kanyang misis sa ikalawang palapag ng Metro Pacific Mall sa Barangay Bitano ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Pinaniniwalaang lulong sa bawal na droga ang napatay na si Roderick Bobis, 34, security guard ng D’Arms Trust Protective and Security Service.

Samantala, ang misis na nabaril sa tiyan ng kanyang mister ay nakilalang si Raquel Bobis, 30, sales supervisor ng games station sa nasabing mall ay agad namang naisugod sa Aguinas Hospital.

Naitala ang hostage drama bandang alas-4:30 ng hapon matapos na makapasok sa nasabing mall si Roderick na may dalang baril na hindi nagawang kapkapan ng mga nakatalagang security guard.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, nagkainitan ang mag-asawa sa ikalawang palapag ng nasabing mall hanggang sa mabaril ni Roderick ang sariling misis.

Agad namang nagresponde ang mga kagawad ng pulisya na nagbabantay sa ibabang bahagi ng mall matapos na marinig ang malakas na alingawngaw ng putok ng baril.

Dito natiyempuhan ng pulisya na mabaril si Roderick na ikinasawi agad nito.

Napag-alaman na humiwalay ang babae sa kanyang mister dahil hindi na mapigilan ang pagkalulong sa bawal na droga at pinalalagay na nagseselos sa paniniwalang may nanliligaw na kay Raquel.

Inaalam ng pulisya kung papaano naipasok ang baril dahil hindi naman guwardiya sa nasabing mall si Roderick na posibleng mapasok ng mga terorista at maghasik ng karahasan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGUINAS HOSPITAL

ALBAY

ARMS TRUST PROTECTIVE AND SECURITY SERVICE

AYON

BARANGAY BITANO

ED CASULLA

METRO PACIFIC MALL

RAQUEL BOBIS

RODERICK

RODERICK BOBIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with