^

Probinsiya

2 sundalo dedo, 1 pa grabe sa ambush

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang sundalo kabilang ang isang batang opisyal ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos na tambangan ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sinasakyang pick-up sa Canlaon City, Negros Oriental nitong Miyerkules.

Kinilala ang napaslang na opisyal na si 1Lt. Gelsson Regner habang patuloy namang inaalam ang pangalan ng isa pang nasawi nitong tauhan.

Batay sa report, naganap ang ambush bandang alas-2:45 ng hapon habang lulan ang mga miyembro ng Charlie Company ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army sa isang civilian pick-up at tinatahak ang kahabaan ng daan sa Barangay Budlasan sa nasabing siyudad.

Nabatid na bigla na lamang nagpaulan ng bala ang mga nakatagong rebeldeng NPA na nakaabang sa pagdating ng mga sundalo sa nasabing masukal na lugar.

Sa kabila naman ng dehado sa bilang at sa posisyon ay nagawa pa ring makipagpalitan ng putok ng mga sundalo laban sa umaatakeng grupo ng mga rebelde.

Pero, napuruhan pa rin ng tama ng bala ang dalawa sa mga sundalo habang isa pa ang nasugatan.

Napilitan namang tumakas ang mga rebelde matapos na maisagawa ang kanilang pakay.

Naglunsad na ng pursuit operations ang mga tauhan ng Army’s 11th Infantry Battalion para tugisin ang mga rebeldeng responsable sa pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY BUDLASAN

CANLAON CITY

CHARLIE COMPANY

GELSSON REGNER

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

NEGROS ORIENTAL

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with