Ang sumukong lider ng New Peoples Army (NPA) ay nakilalang si Liza Castro, 21, alyas Ka Burbunio, squad lider ng Sandatahang Yunit Pampropaganda-II sa ilalim ng Felomina Asuncion Front na pinamumunuan naman ni Ka Jose.
Ang kinaanibang grupo ng NPA ni Castro ay aktibong kumikilos sa mga bayan ng Mallig at Roxas na pawang nasa Isabela at Paracelis Mt. Province.
Ilan sa mga hinanaing ni Castro matapos na isailalim sa tactical interrogation ay ang pangingikil ng revolutionary tax mula sa mga negosyante at maging ang mahihirap na residente ay hindi pinatawad ng kilusang komunista. (Ulat ni Joy Cantos)