Pamilya, 4 minasaker ng militar
July 23, 2003 | 12:00am
Hindi pa natatapos na imbestigahan ang pagpatay sa dalawang aktibista sa Mindoro Oriental na kinasangkutan din ng militar ay apat na miyembro naman ng pamilya mula sa tribong Mangyan, kabilang na ang walong-buwang buntis na babae ang minasaker ng tropa ng militar sa bulubunduking sakop ng Sitio Talayog, Barangay San Nicolas, Magsaysay, Mindoro Occidental.
Sa panayam ng DZrh kay Fr. Rod Salazar, lumalabas na niratrat ng 20 kawal ng Phil. Army ang bahay ng pamilyang Mangyan na ikinasawi nina Roger Blanco, 25, asawang si Olivia Batikuling, 22, dalawang anak na sina Kevin Roger, 3, at Dexter Blanco, isang-taong gulang.
Nakaligtas naman ang kapatid na babae ni Olivia matapos na tumalon sa labas ng kubo at dumapa.
Idinagdag pa ni Fr. Salazar na bago pa maganap ang masaker ay naghahanda na si Roger ng gamit para magsaka sa kanilang bukirin habang ang asawang si Olivia ay naghuhugas ng mga gamit sa kusina.
Dalawa namang anak ni Roger ay naglalaro sa labas ng kanilang kubo nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok kaya apat agad ang duguang bumulagta.
Ayon naman sa grupong Karapatan-Southern Tagalog, inamin ni Col. Fernando L. Mesa, commanding officer ng 204th Brigade na nakabase sa Mindoro Oriental na may operasyon nga ang kanyang mga tauhan laban sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa nabanggit na barangay.
"Hindi na dapat ipaalam na may operasyon, ganun talaga," dagdag pa ni Col. Mesa.
Sa panig naman ni P/Sr. Supt. Art Gabriel, Occidental Mindoro police director, ang pamilya Blanco ay nadamay sa engkuwentro ng mga rebelde at tropa ng 16th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Danilo Escandor.
Nabatid naman sa mga residente ng nabanggit na barangay na wala naman silang namataang mga rebelde o kaya ay putukan maliban sa sunud-sunod na putok mula sa kubo ng pamilya Blanco.(Ulat nina Arnel Ozaeta,Mario Basco at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended